Tuesday, January 29, 2008

HILIG KO...

First blog entry ko ito. Yehey. Wala naman akong maisip na isulat so parang slumbook natin..Ha.ha.ha..
Are you aware of the things you like and like to do? Ako iniisip ko rin...
Hilig ko ang pumunta sa mall pero hindi para sa kung anu-anong shopping. I like to go around a bookstore. Gusto ko sana bumili ng lahat ng books na gusto ko kung pwede, kaya lang sobra mahal ng mga libro. One title though na talaga pinilit ko ma collect is HARRY POTTER. Wala lang para meron masabi na nacollect ako, pero talagang gusto ko rin naman sya.Yung iba nga nadoble pa kasi ung mga pamangkin ko pinadala copy nila, coz they know that i read the series. Pati nga vcd(original ha) nya (mahal dvd) meron ako. Balak ko ngang idonate ung nadoble sa public library. Nung una meron akong John Grisham collection. Hindi nga lang complete kasi medyo marami2x na syang nasulat. Atsaka hirap ng buhay para ilaan ko budget for a book. Meron kaya paraan para mas maging affordable mga books?

Then i have Tweety bird collection although hindi sya sobrang dami. Mga tweety stuffed toys from the smallest to the biggest. And lahat na yata na mug na lumabas na may mukha ni tweety meron ako. Hindi ko naman nagagamit lahat kaya display na lang sya. Nung una ako lang bumibili, nung bandang huli nireregalo na sya. Syempre pag nalaman ng iba yun at yun na ibibigay sa yo during special occassions, di ba?

Then mga movies. Although hindi ako mahilig na inuulit yung mga napanuod ko na pag sale sya bumibili ako..he.he.he. Wala lang trip lang. Yung iba nga may book na ako binibili ko pa yung movie version(again pag sale na sya).

Goodhousekeeping magazine yung philippine version mula 2004, pero yung iba lang ang kinikeep ko na talagang neatly with the plastic covers. Yung iba naman nasa living room naman for reference and hindi pwede ipamigay(damot).

Yan yung mga hilig ko collect!
Ibang hilig naman next time...hm.hm.hm.

LET JESUS SHARE WITH OTHERS
WHAT YOU WANT TO KEEP FOR YOURSELF.

No comments: